Oo nga pala! Isa pang selebrasyon! Anim na buwen na lang sa mission! Ibig sabihin tagalog na naman! =) Sana mas maganda na yung tagalog ko ngayon kaysa noong nag-isang taon ako. Kamusta na kayo? Ayos talaga kami ni Elder Olbes sa area namin. Marami na kaming bagong tinituruan na nag-proprogressing at excited talaga kami para sa kanila. Nagbabasa at nananalangin silang lahat. Ganoondin may isa na kaming RM na nakauwi lang nakaraang huwebes. Maganda iyon kasi magwowork daw siya sa amin. Nagmisyon pala siya sa Davao, Philippines. Taga doon yung kompanyon ko, haha. Umuulan pa rin siya dito, ang basa namin lagi. Sumakay kami sa tricycle isang gabi, kaso, walang bubong. Ginamit lang namin yung mga payong namin. :) Yung mga babae na nakwento ko sa inyo noong, na nagulat sa ginagawa namin bilang mga misyonero at sa kasipagan namin. Ayos pa naman sila, paunti-unti nag-proprogress na sila. Binalikan din namin ang mga dating tinituruan, si Br. Curpoz sa Baleyadaan at sina Diamante sa Caucay. Ok naman sila, gusto nilang makinig at magpaturo. Tapos sina Ramirez family dyen sa picture, ok din naman sila, paunti-unti lang. May ilan na investigators kami na nakapagsimba rin, sana mas marami pa sasusunod na linggo. Lagi sinasabi ng mga tinituruan namin na wala silang oras na magbasa o magsimba, pero may oras naman silang makinig pagdating namin doon. Sana maintindihan at mararamdaman nila yung espiritu santo at yung mga itinituro namin, para mas lalo silang makapag-progess. Nakaraarang huebes din pala, may Leadership Training kami sa Santa Cruz kasama ng bagong Mission President namin na si Pres. Querido. Napakaganda talaga yung training namin, lahat nga mga leaders ng apat na zones ay nandoon. Marami kaming natatunan tungkol sa pagbibigay ng workshop, exchanges at saka interviews. Ayos din si Pres. Querido at ang kanyang asawa. Nakaraang lunes, nag-birthday kami sa bahay, kasi birthday siya nina Elder Olbes at Elder Adriano. Kumain kami ng spaghetti at pizza. Masaya talaga! Ayos talaga yung gawaing misyonero. Wala masyadong problema. :) Siguro hanggang dito na lang ang aking report. Sensya na sa mga hindi nakaka-intindi. =) Ingat kayo. Mahal ko kayong lahat. -Elder Pennock
Sunday, July 10, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment